Anyare???

     Gulat kayo sa pamagat no. Natupad lang ako sa pangako ko. Ngayon may ikikwnto ako. Sasabihin ko rin sa inyo kung ano ang mga plano ko at mga proyekto na gagawin ko. Hindi ko na paliliguyin. Magsimula na tayo.

     Siguro totoo kayong nagulat na nag Filipino ako sa blog na ito. Pinangako ko ito sa inyo noong mga nakaraang buwan. Sinabi ko na ang magiging lengguahe ng aking mga sulatin mula Hunyo 12, ang araw ng kalayaan dito sa atin hanggang sa pagtatapos ng Agosto, ang buwan ng wika ay wikang Filipino. Siguro may paunti unting pahapyaw ng Ingles pero, mas may pokus tayo sa wikang Filipino. Naisip ko itong hakbang na ito ay para mas malinang ko pa ang aking kasanayan sa pagsulat at pagsasalita ng Filipino. Inaamin ko, mas magaling ako sa mga asignatura na patungkol sa lengguaheng Ingles kaysa sa Filipino. Napansin ko rin na mas marami bata ngayon ang nagsasalita ng Ingles. Hindi naman sa pakikialam pero, mas mabuti siguro na ang maging inang wika natin o ang wika na una nating nalaman ay wikang Filipino. Sana, ang hakbang na ito ay makapagpasimula rin ng iba pang hakbang na lalong pagyabungin ang kakayahan natin sa wikang Filipino. Ngayon, dako na tayo sa pinakahihintay niyong parte, ang mga dahilan kung bakit napatigil ako ng kaunti sa pagsusulat.

     May nangyari e. Nakahanap siya ng iba. Iba na mas magbibigay ng oras at panahon sa kanya. Paglilinaw lang, binibigay ko siya ng panahon. Hindi yun ang dahilan. Ang dahilan kung bakit siya naghanap ng iba ay dahil sa tingin niya, mas mahal ko pa ang dati kong crush kaysa sa kanya. Masakit yun para sa kanya, pero mas masakit yun para sakin. Ikaw yung nandyan, hindi siya. Mas mahal ko siya kaysa doon sa luma. Hindi naman ako nagustuhan nun, pero siya kahit nakilala niya lang ako sa isang blind date, minahal niya na agad ako. Sobrang nagsisisi ako na naramdaman niya itong mga bagay na ito. Sana man lang hindi ko ito pinaramdam sa kanya. Nagalit pa nga ako noong una, pati rin siya. Pero naisip rin naman namin na pareho kaming may pagkukulang. Ngayon, single na siya. Ako na ngayon ang naghahabol. Sabi niya na ayaw niya daw akong maghintay sa wala. Kaya ko naman maghintay. Sana handa siya na magsimula ulit kami. Mahirap yun para sa kanya, pero maghihintay ako.

     Yun ang dahilan kaya ako napatigil ng kaunti sa pagsusulat. Nawala ang aking motivation sa pagsusulat. Mahirap gawin ang mga bagay kung hindi maganda ang lagay ng puso at isip mo. Hindi mo alam kung ano ang gagawin mo. Pero ngayon, medyo ayos na naman ako. Di pa rin talaga buo, di pa rin kami bati. Pero may ginagawa na ako. Kung hindi nyo nakikita yung Facebook page, makikita niyo na may ina- upload ako na mga concept uniforms ng bawat teams sa MLB o Major League Baseball. May nakareserba na akong dalawang ia- upload para sa susunod na mga araw. Hayaan nyo, ito ang pambawi ko sa inyo. Kukumpletuhin ko lahat ng 30 koponan.

     Hay. Natapos na naman ang isang blog. Sana patuloy niyo pa rin akong suportahan sa aking mga pinaggagagawa. Sana makita niyo ang mga uniporme ng beisbol na ginawa ko. Nasa Facebook page iyon. Pero para sa ngayon, maraming salamat sa pagbabasa. Pagpalain nawa kayo ng Panginoon. Kita kits sa susunod. Adios.

Ang inyong kaibigan,

Ramueeeeeel

Comments

Popular posts from this blog

My Favorite Bands Part 4: Green Day

Birthday Post #2: Built By Sports

My First Blog