Posts

Showing posts from July, 2022

Anyare???

     Gulat kayo sa pamagat no. Natupad lang ako sa pangako ko. Ngayon may ikikwnto ako. Sasabihin ko rin sa inyo kung ano ang mga plano ko at mga proyekto na gagawin ko. Hindi ko na paliliguyin. Magsimula na tayo.      Siguro totoo kayong nagulat na nag Filipino ako sa blog na ito. Pinangako ko ito sa inyo noong mga nakaraang buwan. Sinabi ko na ang magiging lengguahe ng aking mga sulatin mula Hunyo 12, ang araw ng kalayaan dito sa atin hanggang sa pagtatapos ng Agosto, ang buwan ng wika ay wikang Filipino. Siguro may paunti unting pahapyaw ng Ingles pero, mas may pokus tayo sa wikang Filipino. Naisip ko itong hakbang na ito ay para mas malinang ko pa ang aking kasanayan sa pagsulat at pagsasalita ng Filipino. Inaamin ko, mas magaling ako sa mga asignatura na patungkol sa lengguaheng Ingles kaysa sa Filipino. Napansin ko rin na mas marami bata ngayon ang nagsasalita ng Ingles. Hindi naman sa pakikialam pero, mas mabuti siguro na ang maging inang wika natin...